Pope Francis against same sex marriage and same sex adopting children.
Opinyon:
Bilang isang Katoliko, ako’y nahihiya sa aking relihiyon sa unang pagkakataon. Sa unang beses kong napanuod ang pag-announce ng bagong Papa, nakaramdam ako ng saya at kumbaga pag-asa upang mabigyan reporma ang mga napapanahong isyu sa mundo. Noong nakita ko ang mukha ng Santo Papa, tumaas ang aking mga balahibo at natuwa ang puso ko. Napaka amo ng mukha ng Santo Papa na para bang isa talagang tatay na handang yakapin ka tuwing may problema ka, ngunit sa aking nabasa sa mungkahi ng Santo Papa tungkol sa Same sex marriage at ang pagaadopt nila ng mga bata, nalungkot ako. Lahat ng mga inakala ko sa kanya, nawala ng parang bula.
Sa pagiging katoliko, tinuruaan ako na wag maging mapagkutsya sa kapwa ko, ngunit ito naman ang ginagawa nila sa pagtanggi ng katapatan ng mga LGBT. Hindi bat ang Diyos lang ang may karapatan na manghusga? Kailanman ay hindi kinondema ng Diyos ang mga bakla o tibo dahil tao rin sila, bakit kailangang maging isang malaking isyu ang kanilang mga kasarian. Ang pag adopt nila ay kinokondema rin ng simbahan pero hindi bat parang tinatanggihan niyo na rin o inaalisan niyo ng pagkakataon ang bata na magkapamilya? Mas pipiliin niyo bang lumaki sila sa mga ampunan na hindi nabibigyan ng ganong pagmamahal na pwede nila g matanggap sa mga taong gustong alagaan sila? Ang rason ninyo ay bka ma discriminate ito o ano, pero kayo mismo ang nag didiscriminate sa knila dahil iniisipan niyo na sila agad ng ganon. Tandaan na hindi lahat ng tao ay mapanghusga, may mga tao paring naiintindihan ang ganoong sitwasyon. Bakit ninyo tatanggalan ng pagkakataon ang mga taong gustong mag aruga at magmahal ng bata? Mas gugustuhin niyo bang ibigay sa mga taong sinasabi niyong normal ngunit wala naman sa kanilang loob na mahalin ang mga ito? Nakakaiyak lang isipin na mismong mga taong nagsasabi na wag maging mapanghusga ang mismong gumagawa ng krimen. Ako’y isang katoliko ngunit tanging ang Diyos ko lang ang aking susundan. Ang Diyos ko na tanggap ako, maging sinuman ako.